Buko vendor tinadtad sa ‘cara y cruz’

LUCENA CITY, Philippines - Binurdahan ng saksak hanggang sa mamatay ang isang ice buko vendor nang nakaalitan nito sa sugal na “cara y cruz” kamakalawa ng hapon sa Purok Pinagbuklod Pinagkaisa, Barangay Cotta ng lungsod na ito.

Sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police rito, nakilala ang biktima na si Noel Punzalan, residente ng Barangay 9, Lucena City samantalang naaresto ang suspek na si Reymart Postales, 29, binata at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigas­yon, bandang ala-1:00 ng hapon ay huling nakitang buhay ang biktima na kinokompronta ng suspek dahil sa nawawala nitong pera habang sila ay nagsusugal ng cara y cruz.

Habang nasa kainitan ng pagtatalo, binunot umano ng suspek ang isang patalim buhat sa kanyang beywang saka inundayan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima saka tumakas subalit naaresto rin sa  follow-up operation ng pulisya.

Show comments