^

Probinsiya

26 barangay sa North Cotabato, lubog sa baha

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTA­BATO, Philippines — Nalubog sa baha ang 26 barangay sa bayan ng Pikit sa lalawigang ito, mag-iisang linggo na.

Ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction Manager Head Tahira Kalantu­ngan na may mga apek­tadong barangay ay nasa gilid­ lang ng Liguasan Marsh at Rio Grande de Mindanao.

Maging si Kalantu­ngan ay nasorpresa ma­tapos pinasok na rin ng tubig-baha ang mga Ba­rangay ng Inug-og at ilang parte ng Barangay Poblacion.

Paliwanag niya na bumabalik kasi sa kanila ang tubig na mula sa Ligwasan na mula sa Matalam, M’lang at Tulunan dahil sa mga nakabarang water hyacinth.

Kung magtutuloy ang pag-ulan ay lalo pang aapaw ang tubig sa da­lawang ilog ay posibleng ang buong barangay Poblacion na ang malubog sa tubig-baha.

Isinisi naman ng isang residente ng Barangay Poblacion na si alyas May-May ang mga tinambak na lupa para pagtayuan ng mga negosyo ang dahilan para wala ng daluyan ang tubig at sila ngayon ang nalubog sa tubig-baha.

Kinakailangan pang i-akyat nila ang kanilang mga gamit para lang hindi mabasa ng tubig at apektado rin ang ka­nilang maiinom na tubig dahil nilubog ng baha ang poso na pinagkukunan nila.

PIKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with