Mag-pinsang bakasyunista nalunod sa resort

Kapwa idineklarang patay sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang sina Oscar Lumibao Jr., 31 may-asawa at John Adrian Lumibao Pipa, 17, binata, kap­wa mga residente ng Cabuyao,Laguna.
STAR/ File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Napalitan ng trahedya ang masayang outing ng isang magkakamag-anak na bakasyunista makaraang lamunin ng tubig dagat hanggang malunod ang dalawa sa kanila sa beach resort na sakop ng Barangay Bignay 1 ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kapwa idineklarang patay sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang sina Oscar Lumibao Jr., 31 may-asawa at John Adrian Lumibao Pipa, 17, binata, kap­wa mga residente ng Cabuyao,Laguna.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. William Angway, chief of police ng Sa­riaya, alas-9:00 ng umaga nang dumating sa Zafari Beach Resort ang mga biktima at iba pa nilang mga kaanak upang doon magdaos ng outing o swimming.

Bandang alas 3:00 ng hapon, huling nakita ang magpinsan na nagkakakawag sa karagatan na may layong 200 metro mula sa pampang hanggang tuluyang lumubog.

Mabilis na sinagip ang mga biktima at dinala sa ospital subalit kapwa nalagutan ng hi­ninga sa daan pa lamang.

Show comments