Higit 1-K grinder cutting disk nasabat

Sinsiya­sat ng mga ope­ratiba ng PNP-CIDG ang nakum­piskang 1,300 na kahon na grinder cutting disk matapos ang ikinasang buy-bust ope­ration laban sa tatlong suspek sanhi ng kanilang pagkaka-aresto sa Olongapo City kamakalawa.
STAR/File

OLONGAPO CITY, Philippines — Nasabat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Olongapo ang nasa 1,300 na kahon na grinder cutting disk matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Barretto ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Renzie Jay Wijangco, 29-anyos: Rodollfo Camerina, 62-anyos; Genesis Coricor, 27, at Renzie John Wi­jangco­, 28.

Ayon kay CIDG-Olongapo chief P/Major Kim Dominic Gamboa, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang kompanya dahil ginagaya umano ang kanilang mga pro­dukto kabilang na ang grinder cutting disk ng mga suspek.

Aabot sa P500,000 ang halaga ng mga nakumpiskang cutting disk sa operasyon.

Show comments