No. 1 ‘most wanted’ sa Nueva Vizcaya nalambat

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang tinaguriang Number 1 most wanted person sa lalawigang ito matapos mamataan sa bayan ng Kasibu kamakalawa.

Kinilala ang nadakip na akusado na si Junie Buahon, 30, magsasaka at residente ng Barangay Tukod sa bayan ng Kasibu.

Ang pagdakip kay Buahon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Dupax del Sur Police, Kasibu Police at Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit (NVPIU) sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Attolba ng Regional Trial Court Branch 30 sa Bayombong, Nueva Vizcaya noong Hunyo 15, 2021 dahil sa kasong 2-counts of rape at 2 counts of rape by sexual assault.

Nasa kustodya ng pulisya ang nadakip na wanted person.

Show comments