^

Probinsiya

Kahoy ginawang bangka, 3 bata nalunod sa ilog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Kahoy ginawang bangka, 3 bata nalunod sa ilog
Kinilala ni P/Capt. Samuel Lopez, hepe ng Solana Police ang mga nalunod na biktima na sina Alexa Nicole Siri­ngan, 11-anyos; Daniella­ Malillin, 11; at Mae Shan Garcia, 9, habang mapalad na nakaligtas ang batang itinago sa panga­lang Jaymar, 9; pawang residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Tatlong batang babae ang nasawi matapos malunod sa ilog habang isa pa nilang kasama ang nakaligtas matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang kahoy na ginawang bangka sa Brgy. Natapian East, Solana ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Capt. Samuel Lopez, hepe ng Solana Police ang mga nalunod na biktima na sina Alexa Nicole Siri­ngan, 11-anyos; Daniella­ Malillin, 11; at Mae Shan Garcia, 9, habang mapalad na nakaligtas ang batang itinago sa panga­lang Jaymar, 9; pawang residente ng nasabing lugar.

Unang nakita ng isang­ Joaquin Gabona ang naanod na bangkay ng isang batang babae habang siya ay naglalaba sa ilog ng Purok 5 sa nabanggit na lugar dakong ala-1:30 ng hapon kamakalawa.

Mabilis isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang bata subalit idineklarang dead-on-arrival, na kalaunan ay nakilalang si Alexa Nicole.

Sinabi ni Lopez na dakong alas-3:15 kahapon ng hapon nang matagpuan ng mga rescue team ang bangkay ni Garcia matapos ang mahigit 24 oras na paghahanap.

Sa imbestigasyon ng Solana Police, napag-ala­man na pumunta sa Cagayan River ang mga biktima para maligo kung saan sumakay umano sila sa isang kahoy na gina­wang bangka nang biglang tumaob habang nasa ma­lalim silang bahagi ng tubig na naging dahilan para matangay ng agos at malunod.

SOLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with