KIDAPAWAN CITY , Philippines — Tumitimbang ng limang kilo na “giant tilapia” o sinasabing walong buwang ‘di pang karaniwang tilapia na nalambat sa isang fishpond ni Barangay Chairman Eduardo Umpan ng Barangay Balabag, Kidapawan City kahapon ng umaga, June 27.
Ayon sa mga nakahuli, umaabot sa isang talampakan at kalahati ang naturang isda.
Nabatid na ang cultured tilapia, o ‘yung mga inaalagaan mula pa sa pagiging fry, o maliliit na semilya ay lumalaki nang mabilis kung sobra-sobra ang rasyong pagkain. Ito ay katulad rin ng pangasius fish na mistulang pating ang itsura na pinagmumulan ng “cream dory” fillet na pangkaraniwan nang niluluto sa mga restaurant.
Ang pangasius ay labis na lumalaki kung pababayang sapat ang pagkaing sa kanilang controlled habitat.
Isang tawag dito sa tilapia ay tilapia nilotica, o nile tilapia, dahil ito ay meron na, noong pa mang Biblical times, sa Nile River na sa ngayon ay bansang Egypt.
Ang pag-culture ng tilapia, sa katunayan, ay una nang ginawa ng mga taga ancient Egypt.