MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang family outing nang malunod ang dalawang menor-de-edad na magpinsan kamakalawa ng hapon sa Barangay Tuburan, Maayon, Capiz.
Naisugod pa sa ospital subalit idineklarag dead-on-arrival ang mga biktima na itinago sa mga pangalang Riana, 6-anyos, at Rhea Mae, 7-anyos.
Sa pahayag ng tiyahin ng mga biktima, nasa likuran lamang niya ang mga biktima at naliligo sa mababaw na bahagi ng ilog. Nagulat na lamang siya nang hanapin ng kapatid ang dalawang bata at hindi na makita sa kanyang likuran.
Kaagad nilang hinanap ang dalawang bata hanggang sa unang nakita si Riana at sumunod si Rhea Mae.