BACNOTAN, La Union , Philippines — Dead-on-the- spot ang isang 49-anyos na lalaki na farm caretaker matapos na siya ay barilin sa ulo habang nagpapahinga sa kubo, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ballogo ng nasabing bayan.
Kinilala ang nasawi na si Cristito Morate, tubong Imus, Cavite na kasalukuyang nagtatrabaho bilang farm caretaker sa nasabing barangay.
Sa ulat, alas-9:35 ng gabi ay nagpapahinga sa kubo ang biktima nang pasukin ito ng hindi pa kilalang suspek at walang kaabug-abog na barilin sa ulo na agad nitong ikinasawi.
Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng isang kulay orange na pick-up truck.
Pinag-aaralan na ng pulisya ang CCTV footage upang madetermina ang sasakyan kung saan ito patungo na maaaring makilala ang suspek.