Tulak ng droga timbog sa P500K shabu

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa kalahating milyong piso sa anti-drug operation sa Narra st.Barangay Pahinga Norte, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ay nakilalang si Jhaziel Garcia, alyas Jazel, 36, binata at residente ng Barangay Poblacion.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation  ang mga otoridad, alas-8:00 ng gabi laban sa suspek na kung saan ay kumagat ito kaya’t naaresto at nakumpiskahan ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25.02 grams at nagkakaha­laga ng P510,410.00.

Show comments