Wanted sa pangmomolestiya huli sa buy-bust

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines —  Arestado ang isang 55-anyos na lala­king may nakabinbin na kasong “acts of lasciviousness” makaraang mahulihan ng hinihina­lang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisys sa Barangay Gulod, dito, kamakalawa ng tanghali. Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Herenato Rayos, may-asawa ng Barangay Burnay ng bayang ito.

Ayon sa ulat, alas-12:45 ng tanghali nang isagawa ang buy-bust at nakuha umano sa suspek ang may walong plastic sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa 5.20 gramo at nagkakahalaga ng P35,360. Nabatid na bukod sa kanyang kasong pang-aabuso, naka­tala rin umano ang suspek sa drug watchlist sa bayang ito bilang pusher at user. 

Show comments