Mag-utol na gun-for-hire nasakote

PIKIT, North Cotabato, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang wanted na magkapatid na sangkot sa gun-for-hire at iba’t-ibang uri ng krimen sa South Central Mindanao sa ikinasang operasyon ng Joint Task Force Central sa Barangay Bualan sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ni Brigadier Ge­neral Roberto Capulong, Commander ng 602nd Brigade ang naarestong magkapatid na sina Montukan Bungay at Walo Bungay, kapwa nasa hustong gulang.

Sa ulat ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th Infantry Kampilan Division na nagkaroon ng anim na oras na running gun battle ang mga sundalo laban sa mga suspek hanggang sa tuluyang nahuli ang mga ito at nasamsam ang dalawang M16 rifles, isang cal.45 pistol at maraming mga bala.

Show comments