^

Probinsiya

‘Barangayanihan’ umarangkada sa Nueva Ecija

Christian Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN, Nueva Ecija, Philippines — Matapos na magsagawa ng sabayang pagbubukas ng 34 community pantry noong Abril 21, muling­ nagsama-sama ang 34 istasyon ng pulisya sa lalawigang ito para sa “BARANGAYanihan Linis sa Barangay” na nagsimula kahapon ng umaga.

Pagputok pa lamang ng haring-araw, pinangu­nahan na nina P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva­ Ecija Police Provincial­ Office (NEPPO) at P/Lt. Col. Victor Cacdac­, hepe ng Provincial Com­munity Affairs and Deve­lopment Unit (PCADU) ng NEPPO, ang may 32 police stations at dalawang mobile force company para sa pro­vince-wide na saba­yang paglilinis ng kapa­ligiran.

Naging katuwang ng pulisya at kanilang personnel ang napiling iba’t ibang barangay sa kanilang nasasakupang istasyon ang mga volunteers ng kanilang mga barangay at mga miyembro ng “Kabataan Kontra Droga at Tero­rismo” (KKDAT).

Ang aktibidad na ito ay palagian na uma­nong­ gagawin ayon kay PD Santos. Naglalayon umano ito na maitagu­yod ang isa sa mga “core value” ng PNP organization na “Makakalikasan” upang palakasin ang ug­nayan ng pulisya at ko­munidad.

PCADU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with