ANGELES CITY, Philippines — Arestado ang 13 na hinihinalang sangkot sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations ng Angeles City Police Drug Enforcement Unit (ACPDEU) sanhi ng pagkakakumpiska ng mahigit P.5 milyong halaga ng droga, dito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Rommel Capane alias “Wang Yu”, 49, driver, dati nang naaresto sa kaparehong kaso; Emil Del Moral, 43, may asawa, negosyante; Michael Tayag; Michael Narciso alias “Silver”, 46 fish vendor na nasa listahan ng mga high value individuals; Jayvee Borja, 27; Agapito Nugas, 35; Guilbert Conception, 41, tricycle driver; Leonardo Coquico, 54; Justin Soriano, 24, computer encoder; Marcial Aguilos, 49; Geromin Pineda, 28; Edzel Supan, 33, at Jefferson Sanchez, 43.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa humigit kumulang sa 80 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P544.000.00 at perang ginamit sa operasyon.