Koreano tinadtad ng bala sa kotse

Kinilala ni P/Major Yol Hilado, hepe ng GenSan Police Station 3 ang biktima na si Hyun Seong Hong na may dalawang address sa lungsod sa Barangay Labangal at Barangay San Isidro.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng isang Korean national nang matagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng sasakyan nito sa Purok Masagana, Barangay Baluan, Gene­ral Santos City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Major Yol Hilado, hepe ng GenSan Police Station 3 ang biktima na si Hyun Seong Hong na may dalawang address sa lungsod sa Barangay Labangal at Barangay San Isidro.

Sa ulat, nakitaan ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima at narekober sa lugar ang isang basyo ng bala at iba pang kagamitan mula sa natu­rang Korean national.

Ayon sa ilang residente, alas-10:30 ng gabi nang makita nilang nakaparada ang kulay pu­ting kotse sa lugar subalit binalewala lamang nila ito. Nakarinig umano sila ng putok noong mga oras na iyon ngunit hindi raw nila ito pinansin.

Patuloy pang nakiki­pag-ugnayan ang pulisya sa Bureau of Immigration upang maipagbigay-alam sa pamilya at Korean Em­bassy ang nangyari sa biktima.

Napag-alamang tou­rist visa lamang ang gamit ni Hong subalit nasa lima hanggang anim na taon nang naninirahan sa bansa kung saan mayroon siyang lending business at iba pang mga negosyo sa lungsod.

Show comments