^

Probinsiya

Call center sa Clark ipinasara, 27 empleyado positive sa COVID-19

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Call center sa Clark ipinasara, 27 empleyado positive sa COVID-19
Pansamantala munang ipina-shutdown ng Business Permit and Licensing Civision at ng Angeles City disaster risk reduction and management office (ACDRRMO), ang naturang business process outsourcing company, matapos magpositibo sa COVID-19 ang nasa 27 nitong empleyado, kung saan walo rito ay mula sa Angeles City habang ang 19 ay residente mula na sa iba’t ibang bayan.
File

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Agarang ini­utos ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. na ipasailalim sa swab test ang lahat ng empleyado ng call center na VXI Global Solution na nakabase sa loob ng Clark Freeport Zone matapos na magpositibo ang 27 empleyado nito.

Pansamantala munang ipina-shutdown ng Business Permit and Licensing Civision at ng Angeles City disaster risk reduction and management office (ACDRRMO), ang naturang business process outsourcing company, matapos magpositibo sa COVID-19 ang nasa 27 nitong empleyado, kung saan walo rito ay mula sa Angeles City habang ang 19 ay residente mula na sa iba’t ibang bayan.

Sa direktiba ni Lazatin, kailangang sagutin ng kompanya ang bayad sa pagpapa-swab test sa lahat ng kawani nito.

Mahigpit din ang utos ng alkalde sa lahat ng mga Business Process Outsourcing (BPO) companies­ na dapat sundin ang mga health protocols na ipinatu­tupad ng lungsod lalo na ang pagpapatupad sa “flexible­ work arrangement” ng mga ito at maging ang physical distancing.

Dagdag nito, dapat na makipag-ugnayan ang lahat ng bussiness establishment ukol sa kalagayan ng kanilang mga empleyado na nagpopositibo sa COVID-19.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->