2 obrero nilamon ng lupa

BANAUE, Ifugao, Philippines — Dalawang construction worker ang nasawi matapos matabunan ng lupa habang natutulog nang maganap ang landslide sa Barangay Kinakin, noong Linggo.

Kinilala ng Banaue-PNP ang mga nasawing sina Emiliano “Bo-oy” Lupais, 40, ng Sitio Bayninan at Ernesto “Kibung” Ceraos, 59, ng Sitio Talop, Barangay Kinakin, Banaue sa nabanggit na lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, natutulog ang dalawang biktima sa loob ng kanilang barracks malapit sa ginagawa nilang bahay nang biglang gumuho ang bundok at nalibing sila.

Agad na rumesponde ang mga residente na tumawag naman ng mga kagawad ng PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) na nagtulung-tulong hanggang sa mahukay ang bangkay ng dalawang biktima dakong alas-2:00 ng mada­ling araw kamakalawa.

Show comments