Pag-release ng bangkay ng 4 na aktibista na tigok ‘di hinaharang

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng hepe ng Rizal Police ang akusasyon na hinahadlangan nila ang pagre-release ng mga bangkay ng apat sa siyam na indibiduwal na napatay ng mga Otoridad sa sunud-sunod na police operation sa lalawigan nitong nakaraang weekend.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Rizal Police chief, PCol Joseph Arguelles, kasunod ng akusasyon ng grupong Karapatan na ayaw ipa-release ng mga pulis­ ang bangkay ng mga ito.

Ayon naman kay Arguelles, for release na ang mga bangkay nitong Huwebes at hinihintay na lamang ang tulong na manggagaling sa Municipal Social Welfare and Development ng munisipyo ng Tanay.

Nauna rito, sinabi ng grupong Karapatan, na ang mga bangkay nina Melvin Dasigao, Mark Lee Bacasno, Randy Dela Cruz, at Puroy Dela Cruz, na nakalagak pansamantala sa isang mortuary sa Anti­polo, Rizal, ay pinipigil sa utos ng mga pulis.

Ang mga pamilya naman ng apat ay nagbantay sa labas ng naturang mortuary matapos na hindi nila maiuwi ang mga bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Matatandaang nitong weekend ay siyam na katao ang napatay habang anim pa ang naaresto sa simultaneous police operations na isinagawa ng mga pulis sa Calabarzon.

Show comments