4-kilong marijuana samsam sa buy-bust

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Nasa apat at kalahating kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng City Police Station 6 sa hinihinalang “tulak” sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Claro M. Recto, dito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 6 Commander P/Major Agnes Nolasco, kinilala ang nadakip na suspek na si Vladimir Mora alias ”Vlad”, 18-anyos, residente ng Brgy. Malabanias, Angeles City at nasa drug watchlist ng pulisya.

Nasamsam sa suspek ang anim na bricks (4 kilo) ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa selyadong plastic na aabot sa halagang P540,000 at perang ginamit sa buy-bust.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments