Libreng dialysis center binuksan sa Bataan

BATAAN , Philippines — Pinasinayaan ang 1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center sa bayan ng Dinalupihan ng lalawigang ito kamakalawa.

Pinangunahan nina Bataan Gov. Albert Garcia, Vice Gov. Cris Garcia at Dinalupihan Mayor Gila Garcia ang pagpapasinaya at pagbubukas sa publiko ng nasabing pasilidad.

Ayon kay Gov. Garcia, layunin ng 1Bataan Dialysis Center na makapagbigay ng serbisyo sa kanilang mga kababayan na sumasailalim sa ­dialysis gayundin sa mga ma­ngangailangan pa lang nito, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng gamot, tulong pinansyal at iba pang mga pangangailangan.

Sinabi ni Garcia na sa kabila ng pandem­yang kinakaharap, patuloy ang pagsasakatuparan at pagpapabuti ng mga ganitong proyekto upang makapaghatid ng tulong sa mga dialysis patient.

Show comments