^

Probinsiya

31 miyembro ng kulto, sasailalim sa ‘psycho-social intervention’

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Sinimulan na kahapon ang pagsasa­ilalim sa tatlong araw na psycho-social intervention sa 31 na miyembro ng hinihinalang kulto na ngayo’y nasa ikaapat na araw nang nananatili sa isang pasilidad at kinakalinga ng Arakan LGU sa lalawigang ito.

Ayon kay Arakan LGU Information Officer Leonardo Reovoca, unti-unti na ring naka­kalakad ang ilan sa mga miyembro na may iniindang karamdaman­ dulot ng matinding lamig mula sa bundok nang kanilang makuha.

Una na ring nagsagawa ng interbensiyon ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO sa mga ito pero kumuha ang pamahalaang lokal ng isang psychologist na siyang tututok sa emosyunal at mental na aspeto ng mga residente na pinaniniwalaang umanib sa kulto.

Isa na rito ang paniniwalang doon la­mang sa kanilang sagra­dong lugar sila maaaring ma­matay sa paniniwalang ito lang ang tanging paraan upang sila ay mailigtas.

KULTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with