5-anyos nilamon ng maburak na fishpond

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang 5-anyos na batang lalaki ang patay matapos lamunin ng maburak na fishpond sa Brgy. Pilar, Sta. Cruz, Ilocos sur noong Biyernes.

Sa report ng pulisya sa may gitnang bahagi ng fishpond nahango ang katawan ni Minor Joaquin matapos masadlak sa trahedya dakong alas-7:00 ng gabi.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang dalawa nitong kapatid na naglaro at naligo sa lugar hanggang sa magawi ang una sa gitnang bahagi ng palaisdaan at lumubog sa matinding putik.

Huli na nang makita ng kanyang amang si Jonathan ang nakalub­lob sa burak na anak na agad niyang isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia subalit idineklara nang patay ng doktor.

Show comments