Rehab sa Cagayan River sinimulan, black sand mining tutuldukan

BAGUIO CITY, Philippines — Pinangunahan nina Public Works Secretary Mark Villar at Environment Secretary Roy Cimatu noong Martes ang pagsisi­­mula ng rehabilitasyon ng Cagayan River, ang pinakamahabang ilog sa bansa.

Bukod sa lulunasan ang palagiang malawakang pagbaha sa Cagayan Valley region, tutuldukan na umano ng Cagayan River Rehabilitation Pro­­ject ang dekada nang isyu sa illegal black sand (magnetite) mining.

Sa giya ng Build Back Better (BBB) Task Force, isang multi-agency mechanism na pinangungunahan ni Villar at Cimatu, inumpisahan noong Martes ang dredging ng mga sandbar sa Magapit Narrows sa Brgy. Bangag, bayan ng Lal-lo.

Ayon kay DENR Cagayan Valley director Gwendolyn Bambalan, sa kabuuang 19 sandbars na tinukoy ng BBB Task Force, ang mga sandbars sa Brgy. Bangag at Casicallan Norte, at Dummun sa Gattaran ang nasa priority dahil ito diumano ang sagka sa daloy ng tubig-baha patungong Aparri Delta at Babu­yan Channel.

Show comments