Notoryus na ‘pusher’ dedo sa parak
DEL GALLEGO, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-the spot ang notoryus umanong tulak ng droga matapos pumalag sa buy-bust operation at mabaril ng mga pulis sa Brgy. Macais Uno ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang napaslang na suspek na si Wilson Diano Caindoy, nasa hustong gulang, at dati nang sumuko sa nakaraang Oplan Tokhang.
Sa ulat,dakong alas-9:30 ng gabi, kumagat sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Del Gallego Police sa pangunguna ni Capt. Ermelo Dichoso Jr. ang suspek. Gayunman, nang i-abot nito sa pulis na poseur buyer ang biniling isang sachet ng shabu ay nakahalata ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya bumunot ng baril pero bago nito naiputok ay binaril na siya ng mga operatiba.
Nakuha sa suspek ang isang Kalibre 45 baril,apat na sachet ng shabu at drug paraphernalia.
- Latest