^

Probinsiya

30 bahay naabo sa sunog sa Bacoor City

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
30 bahay naabo sa sunog sa Bacoor City
Tulung-tulong ang mga bumbero sa pag-apula sa malaking apoy na tumupok sa may 30 kabahayan sa Bacoor City Cavite, kamakalawa ng gabi. Nasa P1.5 milyong ari-arian ang naabo sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Nasa 30 kabahayan ang natupok matapos na sumiklab ang malaking sunog sa Brgy. Molino 6, Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bacoor Fire Station, nagsimula ang sunog pasado alas-7 ng gabi sa bahay ng isang Charlie Siason sa Blk. 12 Barracks, Phase 4, Soldiers 4.

Dahil sa malakas ang hangin ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Umakyat ng 2nd alarm ang sunog ganap na alas -9:14 ng gabi at umabot ng may mahigit sa 3-oras bago ito tuluyang naapula. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente at tinatayang aabot sa mahigit kumulang sa P1.5 milyong halaga ng mga kabahayan at ari-arian ang nasunog.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla na nalulungkot siya sa nangyari dahil kasisimula pa lamang ng 2021 ay nakaranas na ang kanyang lungsod ng dalawang sunog.

Bunsod nito, pinaalalahanan ng alkalde ang mga Bacooreño na mag-ingat dahil sa hindi pa natatapos ang pandemya ay madaragdagan pa ang kanilang kalbaryo matapos mawalan ng mga bahay sa sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with