^

Probinsiya

Illegal mining sa Cagayan, pinaiimbestigahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawgan ang Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) sa lokal na pamahalaan ng Cagayan na imbestigahan ang ulat ukol sa illegal na pagmimina sa Cagayan na kontrolado ng mga negosyanteng Tsino.

Sinabi pa ng grupo na nais nilang matigil ang masamang gawain dahil may malaking problema na ayaw pag-usapan ang malakihan at bultobultong paghuhukay ng lupa at buhangin upang ipadala sa China at mga kalapit pang bansa tulad ng Hong Kong.

“The question is what has been done? Shall we wait for another disaster to again look into illegal mi­ning and logging,? ayon kay Pinoy Aksyon chairperson BenCyrus G. Ellorin.

Sinabi rin ni Ellorin na ang pagi-export ng milyon milyong metro kubiko ng buhangin sa malalaking  imprastraktura sa mga kalapit na bansa ang wawasak sa baybaying dagat at dalampasigan bukod pa sa magi­ging sanhi ng napakataas na presyo ng mga panambak, buhangin, bato at mga kauri nito na magpapabagsak sa pag-angat ng paggawa (construction) sa bansa dulot ng proyekto ng pamahalaang “build build build.”

Nanawagan ang grupo kay Cagayan Gov. Manuel Mamba at Cagayan 2nd district Rep. Samantha Louise V. Alfonso na imbestigahan at aksyunan ang  black sand mining sa kanyang distrito.

Ang Pinoy Aksyon ay isang independyenteng ta­gapagbantay at  “think-tank” na  nagtataguyod ng pananagutan sa publiko, pangangalaga sa kapaligiran at totoong demokrasya.

vuukle comment

AKSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with