Pumindeho ng parak, dinedo ng berdugo

Sa report ng pulisya, nag-aabang ng pasahero ang biktimang si Pa­trick Pagaduan nang pagbabarilin ng killer sa ulo sanhi ng kanyang agarang kamatayan dakong alas-4:15 ng hapon.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines Itinumba ng hindi pa natukoy na berdugo ang isang 35-anyos na tricycle driver na umano’y lover ng misis ng isang pulis sa Barangay Cawayan Bugtong, Guimba, Nueva Ecija kamakalawa.

Sa report ng pulisya, nag-aabang ng pasahero ang biktimang si Pa­trick Pagaduan nang pagbabarilin ng killer sa ulo sanhi ng kanyang agarang kamatayan dakong alas-4:15 ng hapon.

Love triangle ang isa sa tinitingnang anggulo ng mga imbestigador matapos lumabas sa isang social media news post ang pahayag ng ina ni Pagaduan na mayroon karelasyong misis ng pulis ang huli.

Patuloy na sinisiyasat ng awtoridad ang naturang kaso.

Show comments