Mag-ama nilamon ng ilog

NORTH COTABATO, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang mag-ama matapos na malunod sa Dumalon River na sakop ng Barangay Tulungatung sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ryan Matapa, 35-anyos at anak na si Ryeanne, 8-taong gulang; pawang residente ng Zone 7 sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Police Regional Office 9, nakita ng ama na nalulunod ang kanyang anak kaya agad nitong sinaklolohan pero sa halip na maisalba ay parehong nilamon ng ilog ang dalawa matapos na mapadako sa malalim na bahagi.

Nakita naman ang bangkay ng mga biktima makalipas ang mahigit sa isang oras na paggalugad ng mga rescue team sa ilog.

Show comments