Beautician, 1 pa patay sa bangga

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang beautician ang nasawi sa magkakahiwalay na sakuna sa Nueva Ecija nitong Pasko.

Sa report ng Nueva Ecija Provincial Police Office (PPO), ang mga nasawi ay sina Emmanuel Santiago, 27, beautician ng bayan ng Bongabon at Mark Avie Munda ng Nampicuan; pawang ng lalawigang ito.

Batay sa ulat, dakong alas-4:20 ng madaling araw nang maaksidente si Santiago sa kahabaan ng Aurora-Bongabon Road nang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo  sa konkretong pader ng arko ng “Welcome’ sa Brgy. Lusok, Bongabon ng lalawigang ito.

Agad namang isinugod ang biktima sa Bongabon District Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival sanhi ng matinding sugat na tinamo sa katawan

Samantala, habang nagmamaneho ng motorsiklo si Munda sa national road sa Brgy. Bentigan, Cuyapo nang sumalpok ito sa kanang bahagi ng van na nakaparada sa tabi ng highway sa Brgy. Bentigan, Cuyapo alas-5:50 ng hapon. Nagawa pa siyang maisugod sa pagamutan pero idineklara siyang patay ng doktor.

Show comments