Miyembro ng drug syndicate itinumba

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isidro Castillo, alyas Aga, 52, binata at umano’y miyembro ng Landicho drug group na kumikilos sa bayang ito at mga kalapit bayan sa 2nd district ng Quezon province.
STAR/ File

CANDELARIA,Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang sinasabing miyembro ng drug group habang ito ay nasa loob ng kanyang bahay sa Purok 6, Barangay Mangilag Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isidro Castillo, alyas Aga, 52, binata at umano’y miyembro ng Landicho drug group na kumikilos sa bayang ito at mga kalapit bayan sa 2nd district ng Quezon province.

Base sa ulat, nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima dakong alas 11:00 ng gabi nang pasukin ng hindi nakikilalang mga lalaki.

Pagkakita sa biktima ay walang sabi sabing pinaulanan ito ng punglo ng mga salarin saka mabilis na tumakas.Nadala pa sa ospital ang biktima subalit namatay din kinalaunan.

Show comments