Collector hinoldap, higit P.2 milyon natangay

GENERAL LLA­NE­RA­­, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa mahigit P.2-milyong cash money ang natangay sa isang kolektor matapos siyang tutukan ng baril at holdapin ng riding-in-tandem habang nakahinto ang una sa shoulder ng Rizal-Pinagpanaan Road, boundary ng Brgy. Gen. Luna ng bayang ito, at sa Talavera noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Alex dela Cruz, 40-anyos, may-asawa, collector ng kompanyang Signed and Deli­vered at nakatira sa Brgy. San Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija.

Sa ulat, alas-3 ng hapon habang pauwi na sa kanilang opisina ang biktima nang huminto ito sa nasabing lugar upang tingnan ang gulong ng kanyang motorsiklo na tila “flat” umano. Hindi umano niya namalayan na may nakasunod sa kanyang kulay itim na motorsiklong Kawasaki CT100 na huminto sa kanyang likuran hanggang sa idinampi ang baril sa kanyang likod at nagdeklarang holdap ang mga suspek. Wala umanong nagawa ang biktima kundi ibigay ang kanyang sling bag na may laman na mahigit sa P234,000 na collection money mula sa Alfha Mart, Natividad branch, sa dalawang lalaking­ sus­pek na mabilis na tumakas patungong Tala­­vera town proper.

Show comments