^

Probinsiya

Klase sa Cagayan suspendido hanggang Nobyembre 30

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Klase sa Cagayan suspendido hanggang Nobyembre 30
Ayon sa gobernador­, tumatayong guro ang mga magulang dahil sa umiiral na “distance learning” bunsod ng panuntunan na “no face-to-face classes” nitong pandemya. Aniya, dapat pa sana hanggang katapusan ng taon ang nais niyang suspensyon subalit ina­alala niya ang katayuan ng mga kabataang Cagayano na maiiwan sa kurikulum ng school year ng Department of Education.
The STAR/Miguel de Guzman

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Pinalawig pa hanggang katapusan ng Nobyembre ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang suspensyon­ ng klase sa pribado at pampublikong paaralan sa buong la­lawigan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magulang na isaayos ang nasalanta nilang kabuhayan bunsod ng sunud-sunod na bagyong tumama sa lalawigan.

Ayon sa gobernador­, tumatayong guro ang mga magulang dahil sa umiiral na “distance learning” bunsod ng panuntunan na “no face-to-face classes” nitong pandemya. Aniya, dapat pa sana hanggang katapusan ng taon ang nais niyang suspensyon subalit ina­alala niya ang katayuan ng mga kabataang Cagayano na maiiwan sa kurikulum ng school year ng Department of Education.

Sinabi ni Mamba na dagdag pahirap sa mga magulang ang mag-asikasong gabayan ang mga mag-aaral na anak sa pagsagot ng modules kasabay ng kanilang paglilinis ng mga burak na iniwan ng nagdaang baha sa kanilang bahay.

KLASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with