2 drug suspect timbog sa P6.8 milyong shabu
ZAMBOANGA CITY, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang High Value Target (HVT) sa pagtutulak ng droga ang nasakote ng mga otoridad at nakumpiska ang P6.8-M halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Cabaluay, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Capt. Edwin Duco, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga nasakoteng suspect na sina Dheemson Ingkil, 26,magsasaka ng seaweed/vendor at Nhidzmar Bensali, 23,kapwa residente ng Brgy. Cabaluay ng lungsod.
Ayon kay Duco, nagsagawa ng anti-illegal operations ang mga elemento ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Zamboanga City Police Station 9 sa pamumuno ni P/Captain Orlyn Leyte sa Zone 3 ng nasabing lugar dakong alas-9:30 ng gabi.
Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos matapos na makorner ng SDEU operatives at nakumpiska ang isang plastic na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng mahigit isang kilo at may katumbas na halagang P6.8-M.
Nabawi rin ang P1,000 marked money at P1,399,000.00 boodle money na ginamit sa operasyon.
- Latest