Misis nahuling may ka-chat, kinatay ni mister

Sa report ng Bayam­bang Police, lango sa alak nang umuwi si Ron­­mel de Guzman sa kanilang bahay at agad kinompronta ang 25-an­yos nitong misis na si Geneva kung bakit naki­ki­pag-chat sa ibang la­laki hanggang sa mauwi sa mainitan nilang pag­ta­talo.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kinatay ng isang selosong 32-anyos na mister ang sariling misis matapos madatnang nakikipag-chat sa cellphone sa ibang lalaki sa kanilang bahay sa Bayambang,  Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Bayam­bang Police, lango sa alak nang umuwi si Ron­­mel de Guzman sa kanilang bahay at agad kinompronta ang 25-an­yos nitong misis na si Geneva kung bakit naki­ki­pag-chat sa ibang la­laki hanggang sa mauwi sa mainitan nilang pag­ta­talo.

Dahil sa kalasingan, tila naburyong si Ronmel hanggang sa kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang misis sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan na naligo sa sarili nitong dugo.

Isinugod sa ospital si Geneva ng mga sumaklolo subalit hindi na siya umabot nang buhay habang nadakip sa follow-up operation si Ronmel na noon ay nahimasmasan na at sising alipin sa pagpatay sa asawa.

Show comments