Nagtitinda ng karne, kinatay

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Quitola, residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan na ang bangkay ay natagpuan alas 5:00 ng umaga.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  — Brutal ang naging kamata­yan ng isang naglalako ng karne na matapos ataduhin ng saksak at basagin ang mukha ay  itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Harana, Luna, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Quitola, residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan na ang bangkay ay natagpuan alas 5:00 ng umaga.

Ang biktima ay nag­tamo ng maraming saksak sa katawan at binasag sa pamamagitan ng matigas na bagay ang mukha.

Panghoholdap ang motibo ng  krimen dahil nawawala ang bag na kinalalagyan ng pera ng biktima habang ang traysikel ay tinangay ng mga hindi pa kila­lang suspek.

Show comments