Dalagita ni-rape slay, winasak ang mukha

Tanaw pa ng mga rumespondeng pulis mula sa itaas ng daan ang katawan ng 17-anyos na si Juliana Faith Aleluia (inset), na hinihinalang ginahasa bago winasak ang mukha at pinatay ng isang suspek sa isang creek sa Sta. Lucia, Ilocos Sur kahapon.
Courtesy: Sta. Lucia Police

Bangkay itinapon sa sapa

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos na ka­ma­tayan ang sinapit ng isang 17-anyos na dalagita na matapos na hinihinalang halayin ay winasak pa ang kanyang mukha ng isang salarin saka itinapon sa sapa sa pagitan ng Brgy. Buliclic at Brgy. San Pedro sa Sta. Lucia, Ilocos Sur kahapon.

Sa report ng Sta. Lucia­ Police, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ni Mamerto Fabro, 57-anyos, habang nagpapastol ng kalabaw, ang duguang bangkay ng biktimang si Juliana Faith Aleluia, isang Grade 12 student at residente ng Brgy. San Pedro.

Nabatid na sumuko na rin umano ang suspek sa pagpatay sa nasabing estudyante dakong alas-12 ng tanghali pero hindi muna inilabas ng pulisya ang pagkakakilanlan nito habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Lumalabas na halos hindi na makilala ang biktima nang makita ng magsasakang si Fabro ang bangkay nito dahil sa pagkawasak ng kanyang mukha at nagsisi­mula na ring maagnas.

Sa teorya ng pulisya, posibleng hinataw ng matigas na bagay ang biktima at ginahasa ng suspek.

Show comments