^

Probinsiya

16-anyos dalagita todas sa tuklaw ng ahas

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines — Isang 16-anyos na dalagita ang nasawi matapos matuklaw ng ahas sa Barangay Noa, Magpet North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Angelina Francisco na residente ng nasabing lugar. Napatay naman ng mga residente ng lugar ang ahas na pinani­niwalaang tumuklaw at ikinasawi ng biktima no­ong linggo ng hapon.

Tanghali nitong Martes nang namataan ang ahas na mas kilala sa tawag na “Banakon” habang nagtatago ito sa ilalim ng mga bato, may dalawang metro lang ang layo sa lugar kung saan natuklaw ang dalagita.

Sa galit ng mga residente, inundayan nila ito ng palo hanggang sa mapatay nila ang ahas na may habang mahigit sa anim na talampakan at may tinayang timbang na halos pitong kilo.

vuukle comment

ANGELINA FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with