^

Probinsiya

'Etivac rules': Magvi-videoke lampas alas-8 nang gabi ikakalaboso sa Cavite

Philstar.com
'Etivac rules': Magvi-videoke lampas alas-8 nang gabi ikakalaboso sa Cavite
"Minabuti na namin na itigil na 'yan, 8 o'clock itigil na tapos hindi puwedeng habang nag-iinuman, nagvi-videoke. Binawal na din namin so para ma-lessen ang transmission ng COVID," ayon sa gobernador.
File

MANILA, Philippines — Sa pag-asang makatutulong sa coronavirus disease (COVID-19) response ng gobyerno, sinusubukan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang kakaibang approach laban sa pandemya — paiksiin ang "videoke hours."

'Yan ang inilinaw ni Cavite Gov. Jonvic Remulla sa panayam ng dzBB, Martes, lalo na kung tomotoma pa ang mga nagkakantahan lampas 8:00 p.m.

"Minabuti na namin na itigil na 'yan, 8 o'clock itigil na tapos hindi puwedeng habang nag-iinuman, nagvi-videoke. Binawal na din namin so para ma-lessen ang transmission ng COVID," ayon sa gobernador.

"Nagtayo na kami ng hotline, mayroon naman kaming lagpas na halos 300 na police vehicles na rumoronda sa Cavite tapos tatawagan sila ng commanding officers nila, obligado silang puntahan, pagsabihan 'yung mga violators."

Paliwanag niya sa hiwalay na pahayag sa Facebook, mainam na panlaban kasi sa COVID-19 ang malakas na immune system — bagay na makakamtan lang daw kapag may sapat na tulog, tamang pagkain at pag-iwas sa bisyo.

(M) GCQ S7 E2. “VIDEOKE” Regrets, I’ve had a few But then again, too few to mention I did what I had to do And saw it...

Posted by Jonvic Remulla on Monday, September 14, 2020

Bagama't paboritong libangan ng mga Pilipino, labis na raw kasi itong nakakabulahaw lalo na kung lagpas na sa curfew hours ang pagbirit.

"Ang curfew ay hindi lamang ginawa para bawasan ang mga walang saysay na pag-gala sa gabi. Ito rin ay nilaan para palakasin ang pangangatawan sa pamamagitan ng masarap at mahimbing na pagtulog," dagdag pa ni Remulla.

"Sorry po ngunit kahit sabihin ninyo pang kayo ay nasa loob naman ng inyong tahanan, ang ingay na dulot nito ay maituturing na labag na sa tinakdang curfew hours."

Maaari raw abutin ng ang Philippine National Police sa hotline na 0916-986-0679 para sa sinumang may reklamo hinggil sa "lasing at wala sa tono" tuwing dis-oras nang gabi.

Ang masaklap pa riyan, preso ang maaaring kabagsakan ng mga sinasabing matigas pa rin ang ulo at susuway sa kautusan.

"Kung ayaw pa rin tumigil, may right silang arestuhin for disobedience to authority," patuloy pa ni Remulla. Ngunit susubukin pa rin naman daw na idaan ito sa pakiusap kung kakayanin.

"Kung ayaw ninyong matulog ng maaga, pwes magpatulog naman kayo... Walang sisihan." — James Relativo

CAVITE

CORONAVIRUS DISEASE

JONVIC REMULLA

VIDEOKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with