2 minero patay sa gas leak sa tunnel

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang minero kabilang ang isang menor-de-edad matapos ma-suffocate sa nag-leak na gas sa hinuhukay na tunnel sa lalawigang ito, ini­ulat kahapon.

Nakilala ang mga namatay na sina Jo­nathan Candelasa, 15, at Rixie John Fernan­dez, 21, kapwa ng Brgy. Grace Estate, Bayugan City ng nasabing lala­wigan.

Ayon kay P/SSgt. Forcy Laurito, imbestigador ng San Fransisco­ Municipal Station, naganap ang insidente sa minahan sa Brgy. Das-agan, San Francisco Agusan del Sur kahapon.

Nabatid na pumasok ang dalawang biktima, kasama ng tatlo sa may 45-metrong lalim na tunnel para kunin ang ginagamit nilang submersible pump. Ga­­yunman, nahirapan ang mga biktima sa pagkilos sa loob ng tunnel dahil bukod sa gas na kanilang nalalanghap, lalo pang nagpahirap sa kanila ang biglang pagkakaroon ng tubig dito.

Kuwento ng tatlong nakaligtas, bigla na la­mang nag-collapse o bumagsak ang dalawang biktima matapos­ umanong mahirapang hu­minga.

Show comments