^

Probinsiya

Coal-fired power plant na itatayo sa Quezon, pigilin - Church leaders

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nanawagan kahapon ang Diocese of Lucena na kanselahin ang tatlong coal-fired power plant na balak itayo sa Quezon na dadagdag pa umano sa pagkasira ng kalikasan dulot ng mga planta ng coal na kasalukuyan nang tumatakbo dito.

“Nananawagan kami sa mga korporasyong ito at sa mga subsidiariya nila na pakinggan ang tinig ng kalikasan at kanselahin ang planong ipatayo ang mga planta ng mahal, marumi, at nakamamatay na enerhiya mula sa coal. Nananawagan din kami sa ating lokal at pambansang pamahalaan at na pakinggan ang mamamayan at huwag hayaang makapasok pa ang anumang dagdag na coal sa minamahal nating probinsiya,” pahayag ng mga pari sa pangunguna ni Lucena Bishop Mel Rey Uy.

Kasalukuyang mayroon nang 1,644 MW na coal sa mga munisipalidad sa ilalim ng Diocese of Lucena. Kung maitayo ang tatlong bagong planta, madadagdagan ito ng 3,330 MW pa.

“Ngayon pa lamang, nagdurusa na ang mamamayan ng Quezon sa mga problemang pa­ngkalusugan dahil sa lason na ibinubuga ng mga planta ng coal. Ninakawan din sila ng karapatang magamit ang lupa at kalayaang makapaghanapbuhay nang masagana, pinahirapan ng polusyon, nakaranas ng agresyon, at naisantabi sa mga pro­seso ng pagpapasiya,” sabi sa pahayag.

“Nakikiisa ang Power for People Coalition sa mga komunidad ng Quezon sa kagustuhan nilang iwanan na ang coal, at maasahan nilang patuloy ang pagsuporta namin sa panawagang ito. Hindi dapat maging hadlang ang anumang bagong coal plant sa pagkakaroon ng malinis at murang kur­yente para sa mga Pilipino,” sabi ni Gerry Arances, Convenor ng P4P.

DIOCESE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with