Pahinante naipit sa trak at van, dedo

CALAUAG, Quezon, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang pahinante ng isang trak makaraang maipit ng dalawang sasakyan sa Maharlika highway na sakop ng Barangay Sto. Domingo, dito kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Diether Villariba, 22, binata ng Rapu-Rapu, Albay.

Ayon sa pulisya, nakaparada sa gilid ng highway ang isang Howo tractor head truck na minamaneho ni Edgar Arana ng Legazpi, Albay nang banggain ito sa likuran ng humahagibis na closed van ni Andris Cadinas ng Bulacan dakong alas-6:45 ng umaga.

Masuwerte namang hindi nasugatan ang dalawang driver subalit ang pahinanteng biktima ay tumilapon sa hulihan na sanhi para maipit sa pagitan ng dalawang sasakyan na kanyang ikinasawi.

Show comments