Buntis na HVT tiklo sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Naaresto ang isang 29-anyos na manikuristang buntis matapos mahuling nagtutulak ng droga sa inilatag na buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Dos, Enrile, lalawigang ito kamakalawa. 

Itinago ng pulisya sa pangalang Remedios ang suspek na taga-Brgy. Caggay ng lungsod na ito at itinuturing na isang high value target (HVT).

Ayon sa report, nasamsam kay Remedios ang anim na sachet ng shabu na tinatayang may halagang P7,000.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang babae bagama’t idinahilan nito na nagawa niyang magtulak dahil  sa matinding pangangailangan nito sa pera na panggastos sa kanyang panganganak.

Show comments