NORTH COTABATO, Philippines — Brutal ang kamatayan ng isang 42-anyos na lalaki matapos na pasukin sa kanyang silid at pagsasaksakin ng 23 beses ng ‘di kilalang suspek sa Escanilla Compound, Purok 4, Poblacion, Carmen, Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Pedrito Tomelden Escanilla, residente sa Purok 8, Poblacion ng nasabing bayan. Pinagsasaksak siya ng hindi pa kilalang suspek matapos pasukin habang nagpapahinga sa kanyang silid dakong alas-11:30 ng gabi.
Naisugod pa sa Carmen Municipal Hospital ang biktima pero agad ring binawian ng buhay dahil sa rami ng saksak na inabot sa katawan.