Chief of police inambus sa Palawan

PALAWAN, Philippines — Himalang nakaligtas sa kamatayan ang hepe ng Dumaran Municipal Police  Station at kasama nito matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan sa Ibangley, Brgy. Abongan, Taytay, Palawan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina P/Capt. Erwin Carandang kasama si P/Corporal Mark Russel Evangelista na nagmamaneho ng police mobile car.

Ayon kay P/Lt. Federico Calingao, Deputy chief  ng Dumaran Police, naganap ang pananambang sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-6 ng umaga kahapon na sakop ng Taytay, Palawan.

Nabatid na  patungo sa bayan ng Roxas si Carandang  para sa isang official mission nang pagdating nila sa naturang lugar ay agad silang pinaputukan.  Nasa 10 tama ng bala ng baril ang tumama sa mobile car at masuwerteng hindi napuruhan ang dalawang pulis. Nasa maayos nang kalagayan ang dalawang pulis.

Show comments