Retired police na positibo sa rapid test, natigok sa quarantine facility

Nakatakda sanang isalang sa COVID-19 con­­firmatory test sa Bicol Diagnostic and Reference Laboratory pero namatay na ang biktimang iti­nago sa pangalang “Ser­geant”, residente ng Brgy. Cabangan.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Patay ang isang 49-anyos na retiradong pulis na itinuturing na person under monitoring­ (PUM) at nagpositibo sa rapid test matapos matumba habang nasa loob ng quarantine facility sa Camalig North Central School sa Brgy. Salugan, Camalig, Albay kamakalawa ng hapon.

Nakatakda sanang isalang sa COVID-19 con­­firmatory test sa Bicol Diagnostic and Reference Laboratory pero namatay na ang biktimang iti­nago sa pangalang “Ser­geant”, residente ng Brgy. Cabangan.

Nabatid na dumating ang pasyente mula Taytay, Rizal bilang bahagi ng mga locally stranded individual (LSIs) na sinundo ng lalawigan noong Hunyo 19 at nakatakdang ipa­sailalim sa swab test makaraang magpositibo sa rapid test.

Sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon, napansin ng mga kasamahang LSI sa loob ng quarantine facility ang dating pulis na umaga pa lang ay laging nakaupo dahil sa nakakaramdam umano siya ng pamamanhid ng kanyang mga binti bunsod ng sugat. May iniindang sakit na diabetes umano ang biktima. Gayunman, nitong hapon ay nagpilit siyang pumunta sa palikuran pero natumba at tumama ang ulo sa semento.

Show comments