Gov. Remulla, PUM sa virus

CAVITE, Philippines — Umaabot na sa lima ang nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Cavite habang inanunsiyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla na “Person Under Monitoring” siya matapos makasalamuha ng taong nilalagnat. Sa official Facebook account ng gobernador, inamin niyang nagpa-swab test siya at lalabas ang resulta nito matapos ang limang araw.

May nakasalamuha umano siyang may sakit nang mag-meeting sila kaya minabuti na umano niyang magpa-swab test agad at habang hinihintay ang resulta ay working from home muna umano siya at naka-quarantine sa kaniyang bahay.

Kaugnay pa nito, kinumpirma rin niyang nadagdagan na ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 at mula sa dalawa ay lima na ito. Nadagdag sa bilang ang 25-anyos na babae sa Dasmariñas City na naka-confine na ngayon sa Taguig, isang 64-anyos na taga-Imus na naka-confine na sa Pasig at ang pinakahuli ay ang kahapon lang nakumpirma na 48-anyos na lalaki mula sa Bacoor City.

Show comments