KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isinailalim na kahapon sa “state of calamity” at community quarantine ang buong lungsod ng Kidapawan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Ang deklarasyon ay isinagawa ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ng kanilang presiding officer na si Vice Mayor Jivy Roe ‘‘Jiv-Jiv’’ Bombeo matapos nilang ipasa ang isang resolusyon nitong Miyerkules ng umaga.
Dahil dito, binigyan na ng kapangyarihan ng Sanggunian si Mayor Joseph Evangelista na gamitin ang 30 percent na bahagi ng Quick Response Fund o QRF ng Local Disaster Risk Reduction and Manage-ment Fund o LDRRMF sa halagang P6.55 milyon.
Ang pondo ay ilalaan para sa iba’t ibang mga programa, proyekto, at mga aktibidades na may kinalaman sa paglaban ng City LGU sa banta ng Coronavirus disease at maiwasan ang pagkalat nito.