^

Probinsiya

Kidapawan isinailalim sa ‘state of calamity’

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isinailalim na kahapon sa “state of calamity” at community quarantine ang buong lungsod ng Kidapawan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ang deklarasyon ay isinagawa ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ng ka­nilang presiding officer na si Vice Mayor Jivy Roe ‘‘Jiv-Jiv’’ Bombeo ma­­tapos nilang ipasa ang isang resolusyon nitong Miyerkules ng umaga.

Dahil dito, binigyan na ng kapangyarihan ng Sanggunian si Mayor Joseph Evangelista na gamitin ang 30 percent na bahagi ng Quick Res­ponse Fund o QRF ng Local Disaster Risk Reduction and Manage-ment Fund o LDRRMF sa halagang P6.55 milyon.

Ang pondo ay ila­laan para sa iba’t ibang mga programa, proyekto, at mga aktibi­dades na may kinalaman sa paglaban ng City LGU sa banta ng Co­ronavirus disease at maiwa­san ang pagkalat nito. 

KIDAPAWAN

STATE OF CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with