SOUTH COTABATO, Philippines – Ipinapatupad na nga-yon ang “flexible working scheme” sa ilang hotels at restaurants sa Region 12.
Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano, ito ay dahil sa epekto ng 2019 coronavi-rus disease o COVID-19.
Ipinahayag ni Cano na apektado sa flexible wor-king scheme ang may isang daang empleyado ng nasabing mga establisyimento.
Aniya, base sa inapru-bahang application ng DOLE ay magtatrabaho lamang ng apat na araw sa loob ng isang linggo ang mga empleyado ng apektadong hotel at restaurant.
Nabatid na magtatagal ang flexible working scheme sa mga emplyeado ng hanggang Agosto, 2020.
Ipinahayag ni Cano na sinusunod rin sa flexible working scheme ang “no work, no pay policy.”