BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Makakaasa ang mga private workers sa Cagayan Valley (Region 02) na tataas ang kanilang buwanang sahod matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang bagong daily minimum wage simula ngayong buwan.
Ayon kay Heidelwina Tarrosa, board secretary ng RTWPB sa rehiyon, may karagdagang P10.00 ang daily minimum wage para sa mga namamasukan sa retail or service establishments na may mahigpit sa 10 manggagawa; P5.00 pataas naman sa mga nasa agrikultura at P25.00 para sa retail or service businesses na hindi lalagpas sa 10 ang mga manggagawa.
Ang bagong minimum wage rates ay masisimulan sa Marso 16 pagkatapos mailathala ito sa mga pahayagan.
Batay sa bagong wage order, ang da-ting P360 na minimum na sahod para sa mga retail o service businesses na may mahigpit 10 manggagawa ay magiging P370; P345 sa mga nasa agrikultura mula sa dating P340 habang ang P25 naman na umento para sa mga hindi lalagpas sa 10 empleyado ay mahahati sa dalawang tranches kung saan ang unang P12.50 ay maisasabay sa Marso 16 at ang karagdagang P12.50 ay maidaragdag naman sa Hulyo 1.
Maging ang mga household service workers (HSWs) o kasambahay ay tatanggap ng P1,000 na karagdagang sahod kada buwan.